Dahil hindi man nakalagpas si Efren ‘Bata’ Reyes sa semi-finals ng nakaraang San Miguel Philippine 9-Ball Open, kailangan niya ngayon sagutin ang tanong, “Matanda na ba si Bata?”
Bakit ko naitanong ito? Napanood ba ninyo yung commercial ng San Miguel bago mag umpisa ang nasabing torneo, “Sino ang pinakamagaling na tirador?” si Bata ay nag mungkahi sa defending champion na si Francisco ‘Django’ Bustamante, “Pare, ako naman.” Para bang nakikiusap, na siya naman ang pagbigyan ng pagkakataong magwagi sa gaganaping patimpalak. Alam natin na wala sa kamay ni Django ang kapangyarihang ibigay ang kahilingan ni Bata. Sa katunayan nga ay, hindi rin umabot sa finals si Django – tulad ni Bata, tinalo din siya ng mas nakababatang manlalaro.
Sa semi-finals na laro ni Bata at Antonio ‘Gaga’ Gabica, naghahabol si Bata dahil isang frame nalang ay panalo na si Gaga. Akalain niyong sumablay pa si Bata sa nuebe! Hindi ko maubos isipin na mangyari yon kay Bata. Malinaw na hindi na niya taglay yung "apoy," yung pagnanasang patunayan sa buong mundo na siya pa rin ang “The Magician” siya yung iniidolo ng madla, siya ang pinakamagaling na tirador.
Dahil hindi niya naipasok yung nuebe, si Gaga ang nagpatuloy sa finals kung saan naman niya tinalo si Ronnie Alcano.
Isa pa, di ba si Bata din yung endorser ng America Eye Optical sa kanilang commercial, “Focus by Efren Bata Reyes.” 54 na taong gulang na si Bata. At hindi na lihim na siyay nagpa-laser eye surgery para luminaw ang kanyang mga mata at hindi mangailangan magsuot ng salamin. Ngunit ang pinakita ni Bata ay tila yung kabaligtaran – siya’y nawalan ng focus sa kanyang huling tira sa nuebe – sablay talo!
Laos na ba si Bata? Para na ba siyang si ’Amang’ na pang small-time tournament nalang? Nagiba na ba ang mga tinaguriang “Pinaka magaling na tirador ng bayan?”
No comments:
Post a Comment